3 aftershocks naramdaman sa Davao Oriental

davao-oriental

NAKAPAGTALA ng may tatlong aftershocks makaraan ang lindol na magnitude 5.8 na yumanig sa San Isidro, Davao Oriental kaninang alas-5:45 ng madaling araw.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) bandang  alas-5:59  ang magnitude 2.4 na aftershocks sa parehong bayan ng Davao Oriental.

Tectonic ang origin nito at may lalim na 32 km sa layong 24 (kilometers) timog-silangan ng San Isidro.

Kasunod ang magnitude 3.5 kaninang alas-8:18 ng umaga sa layong 21 km timog-silangan ng parehong bayan.

Habang magnitude 1.7 naman ang pangatlong aftershocks kaninang alas-8:56 sa layo namang 20 km.

Tectonic din ang origin ng dalawang aftershocks at may lalim na 23 at 27.

Wala namang naitalang pinsala sa naturang mga pagyanig.

Ayon sa Phivolcs, posibleng madagdagan pa ang aftershocks.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply