3 bata natusta sa sunog sa Caloocan

dead1

NATUSTA nang buhay ang tatlong bata habang sugatan naman ang may ari ng nasunog na dalawang palag na bahay Linggo ng gabi Dec. 23 sa F. Acab Daang Bakal Brgy. 17, Caloocan City.
Kinilala ang mga nasawi sina Ace Khervy Alejandre y Berino 8 taon gulang, Wendy Bagapuno 6 yrs old, at si Granson Bagapuno 3, habang sugatan naman si Alberto Alejandre, 32, may ari ng nasunog na bahay.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni SF01 Benedicto Tudla, ng Arson investigetor, dakong alas 9:12 ng gabi ng maganap ang insidente sa Daang bakal sa nasabing barangay.

Nabatid na mahimbing na natutulog ang mga biktima ng ito ay masunog sa loob ng kanilang tinutulugan

Ayon sa mga otoridad isang napayaan na kandila ang pinagmulan ng sunog sa loob ng kwarto ni Alberto.

Dahil sa gawa ng light material ang nasabing bahay kaya agad kumalat ang nasabing apoy na ikanatusta ng mga biktima.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad sa nasabing insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply