3 DPWH workers todas, 4 sugatan sa pamamaril sa Quezon

3-dead

PATAY sa pamamaril ang tatlong manggagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Quezon habang apat pa ang sugatan nang makursunadahan ng isang hindi nakikilalang lalaki sa nasabing probinsya nitong Biyernes ng gabi (Nobyembre 30).

Sinabi ni Chief Inspector Romulo Albacea, Mulanay police chief na ang mga namatay ay sina Ronald Monterey, Jason Rodelas at Celdo Red, pawang road workers ng DPWH sa Quezon.

Isinugod naman sa Bondoc Peninsula District Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang hindi nakuhang mga pangalan na iba pang biktima.

Tukoy na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspect pero pansamantalang hindi muna ibinunyag ang pangalan alinsunod sa ikakasang paghuli rito.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 10:30 nitong Biyernes ng gabi sa tapat ng isang tindahan sa Barangay Mulanay.

Ayon kay Albacea, bago ang pamamaril ay sakay ang mga biktima sa DPWH vehicle service at huminto sa isang tindahan para bumili ng sigarilyo sa tindahan.

Habang ang iba ay nasa tindahan at ang iba naman ay umiihi sa tabing kalsada, biglang kinompronta ng suspect ang mga biktima at saka pinagbabaril.

Tumakas na agad ang suspect na napag-alaman na nagalit dahil sa naka-bright light ang kanilang sasakyan nang makasalubong ng suspect.

Nakatakbo naman ang drayber ng DPWH sa kanyang sasakyan pero binaril pa rin ito ng suspect na tumakas patungong Catanauan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply