3 filmmaker paparangalan sa QC Film Fest

herbert-bautista

IPINAKILALA ang tatlong filmmakers na nagwagi at nakatakdang gawaran ng parangal ng Quezon City Film Development Commission (QCFDC) sa darating na December 30 sa Quezon City Hall.

Ang mga nasabing top winners ay kabilang sa 1st film fest na isinagawa sa Quezon City na napili mula sa 71 sumali na ibinase sa kanilang mga scipts, creativity ng pelikula at feasibility ng kanilang produksiyon.

Kabilang sa mga ito ay ang mga filmmaker na kinabibilangan nina Alvin Yapan, Joel Ferrer at John Torres kung saan tatanggap sila ng production grant na nagkakahalaga ng P800,000. bawat isa na sasaksihan ni QC Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte at ibang opisyales ng pamahalaang lungsod at mga nasa film industry.

Kabllang sa bumubuo ng komisyon na pumili sa natatanging mga filmaker ay sina Majority floor leader Councillor Bong Suntay, at mga miyembro na sina Director Soxie Topacio, dating MTRCB Chair Consoliza Laguardia.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply