3 holdaper, tepok sa Cavite

NAPATAY ng mga awtoridad ang tatlong hinihinalang holdaper matapos
maka-engkwentro  ng mga pulis sa Luzviminda, Dasmarinas, Cavite.

Batay sa pagsisiyasat, ang mga napatay ay  pangunahing suspek sa serye
ng nakawan at panghoholdap ng mga establismiyento sa Cavite at karatig-lalawigan.

Matapos ang palitan putok, bumulagta ang mga suspek at nakuha sa mga ito ang tatlong baril na sinasabing ginamit sa pakikipagbarilan sa mga pulis.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng mga
umano’y holdaper.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply