3 holdaper todas sa parak sa Quezon City

3-dead

TIGBAK ang tatlong hinihinalang mga holdaper na nambibiktima sa mga pasahero sa dyip makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa kahabaan ng E. Rodriguez Avenue sa Quezon City.

Ayon sa report sa radio, pababa na ang mga suspek sa isang dyip matapos mambiktima sa mga pasahero nang mamataan ang mga ito ng police patrol team bandang alas-2:30 ng madaling araw.

Agad na namatay ang isa sa mga suspek habang ang dalawa pa ay idineklarang dead on arrival sa malapit na ospital.

Narekober sa mga suspek ang mga matatalim na armas at handguns.

Base sa inisyal na report, sumakay ng dyip ang tatlo malapit sa Mabuhay Rotonda boundary ng Maynila at Quezon City, at nagdeklara ng holdap makalapit sa kanto ng E. Rodriguez Avenue at G. Araneta Street.

Iniuugnay ang mga suspek sa mga naunang insidente ng panghoholdap sa naturang lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply