3 kawani ng burger chain ipinakulong ng manager

crazy

RIZAL – Kalaboso ang tatlong service crew ng isang burger stand chain matapos ireklamo ng kanilang manager dahil kulang ang kanilang benta kaninang madaling-araw sa Rodriguez.

Kinilala ni Rizal PNP director P/Sr. Supt. Rolando Anduyan ang mga suspek na sina Joana Tilos, 25, ng Blk.10, Lot 149, brgy. San Isidro, Rodriguez; Joan Sarigumba, 25, dalaga, ng Sta Cecilla Maly, San Mateo at Walter Billano, 19 anyos, binata, ng Daang Bakal, Brgy. Balite, Rodriguez.

Ang tatlo ay inireklamo ni Jasmine Sison, 41, branch manager ng Angel’s Burger store na matatagpuan sa Montana Subd., A Mabini St., Brgy. Burgos at residente naman ng  Matipid St., Sikatuna Villge, Quezon City.

Sa ulat, dakong alas-12:00 ng hatinggabi nang dumating ang nasabing manager para mag-imbentaryo ng kanilang sales at tirang mga paninda.

Dahil sa malaki ang kulang ay agad na pinatawag ang tatlo para magpaliwanag kung nasaan ang malaking kulang sa kanilang sales subalit walang masabi ang mga ito dahilan para dalhin sa himpilan ng pulisya.

Ang tatlo ay pansamantalang nakaditini sa lock-up jail ng Rodriguez PNP at mahaharap sa kasong qualified thef sa piskalya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply