3 kelot nahulihan ng deadly weapon, kulong

behind-bars

KULONG ang tatlong binata matapos mahulihan ng sumpak, icepick at balisong nang takbuhan ng mga una ang oplan sita ng mga pulis sa Caloocan City kagabi, Disyembre 3.

Nakilala ang mga suspek na sina Kevin Michael Balanay, 24 ng De Castro subd., Paso De Blas, Valenzuela City; Ron-Ron Dislat, 23 at Richard Rodriguez, 24 kapwa ng Tatalon, Quezon City.

Sa ulat, dakong alas-10:55 ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga pulis sa 8th Avenue ng lungsod nang parahin ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo.

Sa halip na tumigil ay pinaharurot pa ang motorsiklo na naging dahilan upang habulin hanggang sa maabutan sa EDSA Monumneto ng lungsod.

Nang kapkapan ay nahulin ng sumpak, balisong at icepick ang mga suspek na naging dahilan upang dalhin sa presinto.

Inaalam na ng mga pulis kung sangkot sa ilegal na gawain ang mga suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply