3 naaktuhang nagpa-pot-session, arestado

SWAK sa kulungan ang tatlong kalalakihan matapos maaktuhan ng mga awtoridad na nagsasagawa ng pot session sa loob ng bahay ng isa sa suspek kaninang umaga Dec. 2 sa Marulas A, Caloocan City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 14 at 15 illegal possesion of drug paraphernalia sina Jesus Lalic y Makalindan, 55, binata, Froilan Bragais y Hernandez, 40, at si Hernry Chua y Carlos, 19, pawang taga Maypajo, Caloocan.

Ayon sa ulat, dakong alas 8:00 kaninang umaga ng maganap ang pot session sa bahay ng suspek na si Lalic.

Nabatid nakatanggap ng tawag ang gni Chief Insp. Bartolme Tarnate ng Station Anti- Illegal Drugs Special Operatives Unit (SAID-SOU) matapos inguso ng ilang kapitbahay ang nasabing pot-session.

Agad sinadya ng mga awtoridad sa pangunguna nina P02 Welson Tan at P01 Loui Arron Sescar ang bahay ni Lilac at naaktuhang isinasagawa ang pot session.

Narekober ng mga awtoridad ang isang sachet ng shabu. Mga aluminum foil, at iba pang mga paraphernalia kaya agad dinala sila sa presinto.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply