3 OSY na reresbak sa nabaril na barkada, tiklo

RIZAL – Arestado ang tatlong out of school youth (OSY) matapos na maitimbre sa pulisya ang planong pagganti ng mga ito sa nabaril na barkada kaninang madaling araw sa bayan ng San Mateo.

Kinilala ni San Mateo chief of Police P/Supt. Ruben Piquero ang mga suspek na sina Duane Mendoza, 18 anyos, ng #2 Beltran Compd., Brgy. Guitnang Bayan; Ronald Miliano, 18 anyos, ng #557 Nawasa Pipeline, Brgy. Guitnang Bayan at ang 15 anyos na itinago sa pangalang “Mar”.

Sa ulat, dakong alas-5:25 ng umaga nang makatanggap ng report ang pulisya kaugnay ng presensiya ng tatlong kabataan na may bitbit na pillbox sa General Luna st., Brgy. Guitnang Bayan 1, San Mateo, Rizal at planong pasabugin sa mga kalaban na namaril ng kanilang barkada.

Agad na nagsagawa ng responde ang San Mateo PNP kung saan ay inabot ang tatlo na hawak pa ang pillbox.

Nauna rito ay nabaril ang kanilang barkadang si Mark Joseph Bonifacio, residente ng Nawasa Pipeline, Brgy. Guitnang Bayan 2, ng magsimbang gabi kasama ang mga kaibigan noong Lunes (December 17).

Naaresto naman ang dalawang sangkot sa pamamaril na sina Arnel Ano, 17 anyos, ng Santos Buenviaje Compd., Brgy. Guitnang Bayan at James Anthony Sta. Maria, 17 anyos, residente naman ng M.R. Ville, Brgy. Guitnang Bayan.

Ang mga nasakote ay sama sama ngayon sa iisang detention cell sa San Mateo PNP habang inihahanda pa ang kaukulang mga kaso laban sa mga ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply