3 pang mangingisda na-rescue

NAILIGTAS ang tatlo pang mangingisda ng mga rescuer na nagsasagawa ng air and water operation sa mga biktima ng bayong Pablo.

Kinumpirma ni Capt. Lued Lincona, commanding officer ng Philippine Navy, ang panibagong pagkakaligtas kina Peter Magnasi, Dennis Codilla at Rene Maulas, pawang mga residente sa lungsod, na natagpuan sa Rogela fishing sa GenSan.

Dagdag pa ni Lincona, maliban sa mga helicopter, tumutulong na rin ang mga floating asset ng Philippine Navy at Phil. Coastal Guard dagdag pa ang mga fishing vessel sa GenSan upang matagpuan ang 300 pang nawawalang mga mangingisda.

Samantala, nagpadala na rin ang lokal na gobyerno ng lungsod ng mga tauhan sa Mati, Davao Oriental na mag-aasikaso sa mga mangingisda na nailigtas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply