3 patay, 37 sugatan sa banggaan ng bus at kotse

crime3

TATLO katao ang nasawi habang 37 pa ang sugatan makaraang magbanggan ang isang pampasaherong bus at kotse sa Cebu province.

Ayon sa report sa radyo ngayong umaga, pinag-aaralan na ng pulisya ang posibleng kasong isampa kabilang na ang reckless imprudence resulting in homicide laban sa driver ng dalawang behikulo kung saan nasa kustodiya na ng pulisya ang mga ito.

Base sa inisyal na report bandang alas-2:00 ng madaling araw kahapon nang maganap ang banggaan.

Tinatayang 50 pasahero ang lulan ng bus papunta sa Cebu City habang ang Toyota Altis naman ay papuntang Daanbantayan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply