3 patay, 4 sugatan sa salpukan ng 2 motorsiklo

3-dead

TATLO katao ang binawian ng buhay habang apat pa ang nasugatan sa nangyaring salpukan ng dalawang motorsiklo sa bayan ng Alabel,
lalawigan ng Sarangani, Lunes ng gabi.

Kinilala ang mga namatay na sina Romeo Dialo, 28-anyos; Raymund Clapano, 23-anyos, residente ng Barangay Dumulok na siyang drayber sa isang single Honda Bravo 100 motorcycle at Richard Nemenio na nabagok ang ulo sa semento dahilan ng kanilang agarang pagkamatay.

Habang sugatan at nagpapagaling pa ngayon sa St. Elizabeth Hospital sina Michael Nemenio, 23; Ricky Chavez, 22; Elvie Nebeta at isang Maria Corazon Ramos, 23 na kapwa nagkaroon ng mga pasa sa kanilang katawan habang parehong wasak naman ang dalawang motorsiklo na nagsalpukan.

Sa imbestigasyon ng Alabel Municipal Police Station lumalabas na naganap ang aksidente dakong alas-7:00 ng gabi. Nabatid na lasing ang isa sa dalawang driver subalit hindi muna papangalanan kung sino sa kanila dahil kakausapin muna ang mga biktimang nagpapagaling pa ngayon sa ospital.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply