3 patay sa banggaan sa Misamis Oriental

PATAY ang tatlo katao, habang sugatan ang dalawang menor-de-edad nang magbanggaan ang isang 10-wheeler truck at motorsiklo sa Misamis Oriental.

Kinilala ang mga namatay na biktima na sina Hardy Mora, Mark Nino Cardeno, John Mark Caamino habang ang mga menor de edad na sugatan ay sina Cristine Quibol at Sherwin Mura, kapwa residente sa nasabing lungsod.

Ayon kay Unson, biglang nag-overtake ang truck na minamaneho ni Pedro Decasa dahilan para mahagip ang motorsiklo ng mga biktima na pawang papuntang Iligan City.

Kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to properties naman ang ikakaso sa truck driver sa provincial prosecutor’s office.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply