3 Pinoy todas sa pamamaril sa California

TODAS ang apat katao kabilang ang tatlong Pinoy sa insidente ng pamamaril sa isang boarding house sa San Francisco Valley sa California, USA.

Binaril ang mga biktimang Pinoy na kinilalang sina Robert Calabio, Teofilso Jojo Navales at Amanda Ghossein, na isa umanong half-Filipina habang hindi pinangalanan ang Amerikanong biktima, sa loob mismo ng isang boarding house sa Northridge.

Naaresto ang suspek sa Las Vegas na kinilalang si Kah Pasasuk.

Patuloy namang inaalam ang motibo sa pamamaslang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply