3 PWD friendly crossings, ikakasa ng MMDA sa MM

IPINAHAYAG ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagkakasa ng Persons With Disabilities (PWD)-friendly pedestrian crossings sa Quezon City at Pasig bilang bahagi ng selebrasyon ng International Day of PWDs.

Ayon sa MMDA, ilalagay ang PWD crossings sa kanto ng Aurora Boulevard at JP Rizal Street sa Project 4; sa Isetann mall sa Cubao at sa Santolan Road kanto ng Marcos Highway.

Ganoon din sa Quezon City at Pasig balak itayo  ang mga tawiran dahil doon may pinakamaraming PWDs sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, lalagyan ang mga ito audio warning device para magamit din ng mga may kapansanan sa paningin o bulag.

Bibigyan din anya ng Sensitivity Training ang mga traffic personnel para magabayan nang tama ang mga PWD sa daan.

Nilalayon ng pamunuan ng MMDA na mahimok din ang ibang opisyal ng pamahalaan sa pagbibigay-tulong sa mga taong may kapansanan.

Si Tolentino ang pinuno ng National Working Committee for the 2012 International Day of PWDs na may temang “Removing Barriers to Create an Inclusive and Accessible Society for All”.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply