3 rebeldeng sakay ng motorsiklo, nasilo sa Quezon

NASILO ng awtoridad ang tatlong hinihinalang New People’s Army, kabilang ang isang menor de edad sa Quezon nitong bago maghatinggabi sa Mulanay, Quezon, ayon sa regional military spokesman.

Sinabi ni Colonel Generoso Bolina ng Armed Forces Southern Luzon Command na nakabase sa Camp Nakar, na ang mga nahuling rebelde ay nakilalang sina Dennis Quidor, alias Ka Anghel/Jabar at NPA unit leader; Eliseo Lopez; at Rodrigo Guevarra, 17 anyos. Nahuli ang tatlo habang lulan sa dalawang motorsiklo.

Sinabi ni Bolina na inalerto ang government forces nang makatakas ang mga rebelde at dalawa nilang inupahang drayber sa isang Army checkpoint sa kalapit na lugar ng San Francisco.

Nagkakasa aniya ang mga rebelde ng surveillance operation para sa planog pagatake sa Mulanay, San Francisco at San Narciso towns ng pinagsanib na puwersa ng communist guerillas mula sa Bicol at Southern Tagalog regions.

Nakumpiska sa mga rebelde ng explosive devices; 1 hand grenade; 1 .22-caliber at 1 .45-caliber handguns; Armalite magazines at ammunition; at communist documents.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply