3 sunog na bangkay natagpuan sa loob ng kotse sa Batangas

TATLONG sunog na bangkay ang natagpuan sa loob ng nagliliyab na kotse sa Batangas kaninang madaling araw (Disyembre 23) .

Sinabi ng mga residente sa lugar na dakong alas 4:30 a.m. nang mapansin nila ang nasusunog na kotse sa isang bakanteng lote sa Barangay Pook ni Banal sa Batangas town. Hindi nila sukat akalain na may tatlong bangkay sa loob ng sasakyan.

“Mataas ang apoy niyan, abot doon sa taas. Nung nakita namin na may tao, nung binobomba na namin ng tubig. Nung nakikita ko ng nasusunog, parang sabi ko ay ang suspetsa ko ay may tao sa loob dahil sa napapanood sa balita,” pahayag ng testigong si Maning de Chavez.

Hinala naman ng awtoridad na posible na ang mga biktima ay patay na bago pa siniliban ang kotse dahil wala naman napansin o narinig ang mga residente sa lugar nang maganap ang insidente.

Palagay din ng pulisya na posibleng nadaanan lamang ng mga suspect ang naturang bakanteng lote kaya nagdesisyon na soon sunugin ang mga bangkay sa loob ng sasakyan.

Aalamin naman ng awtoridad kung sino ang may-ari ng sinunog na kotse para magkaroon sila ng lead sa krimen.

“We assume that there is a backup vehicle, possible na sasakyan nila. Sinasabi ng mga nakakita kung kasama pumatay diyan, nasa loob, suicide siya. Eh incident, normally mayroon yang backup vehicle para makaalis siya after. Itong may-ari ng sasakyan kasi may plate number ZPA 519 TOYOTA RAV4 ire-request namin sa LTO for identification,” pahayag ni San Pascual Police Chief Rufino Luistro.

Isasailalim naman ang tatlong bangkay sa awtopsya at DNA testing parqa malaman ang kanilang pagkakakilanlan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply