3 turistang Australyano nasagip sa karagatan ng Romblon

POSIBLENG dumating na ngayong araw sa Iloilo ang tatlong turistang Australian national na nailigtas makaraan ang dalawang araw na nagpalutang-lutang sa Tablas Strait sa gitna ng karagatan ng Romblon at Mindoro nang tumaob ang sinasakyang bangka.

Kinilala ang mga dayuhan na sina Ralph Harald Aeur, 54; anak nito na si Thomas Aeur, 20, at kaibigan na si Joshua Marsh, 20, pawang residente ng Melbourne, Australia.

Samantala, hindi pa nakikita ng piloto ng bangka na si Ruben Pilar, 25, ng Barangay Cabot, Torrijos, Marinduque.

Ayon kay Captain Roberto Tumalaytay ng cargo vessel na M/V Foremost Trader, nakita ng look out ng barko sa malayo na may palutang-lutang sa dagat ngunit hindi nito matiyak kung ito ay mga tao.

Nang tiningnan gamit ang telescope, kumaway ang palutang-lutang na mga turista dahilan kaya kaagad na bumalik ang cargo vessel at iligtas ang mga ito.

Inihayag ng kapitan ng barko na nanghihina na ang katawan ng mga banyaga nang kanilang mailigtas kaya aagad naman silang pinakain, ginamot ang sugat at pinatulog sa cargo vessel na papunta sa lungsod ng Iloilo at nanggaling sa Mariveles, Bataan na may karga na soy beans.

Ayon sa mga dayuhan nagmula sila sa Marinduque at namangka patungo sa Banton Island na sakop ng Romblon noong Martes ng hapon nang magdesisyon sila na bumalik sa Marinduque.

Dahil sa malaking alon at malakas na ihip ng hangin, tumaob ang bangka na kanilang sinasakyan sa Tablas Strait.

Sinubukan umano ng piloto ng bangka na si Pilar na languyin ang dagat at humingi ng tulong ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ito natatagpuan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply