300 mangingisda, nawawala pa rin sa GenSan

UMAABOT pa rin sa 315 mangingisda ang patuloy pang pinaghahanap sa karagatan ng Mati Davao Oriental at karagatan ng Indonesia dahil sa pagtaob ng mga fishing vessels.

Sa ginawang Command Conference  sa tanggapan ni Mayor Darlene Antonino Custodio kasama si Mindanao Development Chairwoman Lualhati Antonino, Philippine Navy at kasama din ang Coastguard kanilang ipinalabas ang kasalukuyang ginagawang Search and Rescue Operation.

Ayon kay Mayor Custodio umaabot sa 50 mga fishing vessels ang nawawala na kinabibilangan ng 11 mother boat habang 39 naman nito ang lifeboat maliban sa mga narescue na hindi lalagpas sa 15 habang may mga bangkay na rin ang narecover sa Lungsod ng Mati.

Sa ngayon, may apat na tauhan ng lungsod na kanilang ipinadala na kasama sa binuong TASKFORCE PABLO sa Mati upang malapitan ng mga fishing company at    madali nilang maireport kung may mga marerescue sila gaya na lang ng mga bangkay ng mga mangingisdang natagpuan sa karagatan ng Mati na mga taga Gensan.

Pinakamaraming mangingisda na missing pa rin hanggang ngayon ang RLG fishing na aabot sa 74, RE fishing , 54 at LPS Fishing na aabot sa 114 at marami pang iba.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply