300 residente lumikas sa CDO dahil kay ‘Pablo’

TINATAYANG 300 residente na naninirahan malapit sa sapa ang boluntaryong lumikas dahil sa takot na muling maranasan ang hagupit ng bagyong Sendong sa pananalasa ni bagyong Pablo sa Cagayan de Oro.

Kasalukuyang nasa evacuation centers ang mga residente.

Siniguro naman ng mga awtoridad na hindi kukulangin ang rasyon na relief goods para sa mga ito.

Nakatakda namang ipatupad ang force evacuation sa mga residente ng flood-prone areas kasabay sa pagsailalim sa green alert status sa buong lungsod.

Nakararanas ngayon ng makulimlim na panahon ang naturang lalawigan.

Samantala, suspendido na rin ang biyahe ng mga barko roon, habang inabisuhan na ring huwag pumalaot ang mga mangingisda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply