32 arestado dahil sa iligal na paputok sa Davao City

NASAKOTE ang 32 na pasaway kabilang na ang 26 mga menor de edad dahil sa pagdadala ng mga illegal na paputok sa Davao City.

Ayon kay Superintendent Ronald Dela Rosa, hepe ng Davao City Philippine National Police (PNP), kasalukuyang nakakulong ang anim (6) katao habang naghihintay ng summary inquest habang nai-turn over na sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga menor de edad.

Makalalaya lamang ang mga bata matapos na isalang sa counselling ng womens and children protection desk.

Simula pa noong 2001 ay ipinapatupad na ang municipal ordinance na nagbabawal sa pagbebenta at paggamit ng anomang paputok sa siyudad.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply