33 mangingisda na nakulong sa Indonesia darating ngayon

DARATING na ngayon sa lungsod sa General Santos ang 33 mangingisda na nakulong sa Indonesia .

Ito ang kinumpirma ni Rose de Lima ng Gensan City Social Welfare
Action Center matapos matanggap ang report mula sa Department of
Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa mga darating na mangingisda.

Ayon kay De Lima, ang mga Pinoy fishermen ay nakulong sa Indonesia
dahil sa kasong illegal fishing.

Lulan ng RD Pacific International ang mga mangingisda ngunit maaaring
mabago ang schedule depende sa takbo ng panahon ngayong araw.

Samantala, kinumpirma naman ni De Lima na mayroon pang halos 100 iba mangingisda ang nakakulong sa Indonesia.

Inaasikaso na umano ng gobyerno ang pagpapauwi sa mga ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply