33 partylist group nakakuha ng status quo sa SC

MAY 33 partylist group na ang nakakuha ng status quo ante order mula sa Supreme Court (SC), ang isasama ng Commission on Elections (Comelec) para sa pinal na listahan ng mga lalahok sa 2013 midterm elections.

Ani Comelec Chairman Sixto Brillantes, napilitan silang isama sa raffle sa Enero 4 sa susunod na taon ang naturang bilang ng mga partylist group na una na nilang tinanggalan ng akreditasyon bagama’t hindi pa naging pinal ang desisyon ng SC sa apela ng mga ito.

Ayon sa Comelec, matatagalan pa bago pinal na mahatulan ng Korte Suprema ang apela ng partylist group na kanilang diniskwalipika dahil sa mahabang holiday recess.

Nilinaw din ni Brillantes na nagdesisyon ang Comelec en banc na baguhin ang petsa ng raffle na orihinal na itinakda sa Disyembre 17 dahil inaasahan na nilang magpalabas ng maraming status quo ante order ang SC.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply