33rd senatorial aspirant aprub ng Comelec

comelec

NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga kandidato para sa May 2013 senatorial race matapos aprubahan ng Commission on Elections (Comelec) ang senatorial bid ni Israel Virgines, na kandidato ng Bangon Pilipinas political party.

Ayon kay Comelec chairman Sixto Brillantes Jr., si Virgines ang magiging pang-33 senatorial aspirant para sa halalan sa susunod na taon.

Nabatid na nahuli sa paghahain ng kanyang certificate of candidacy (COC) si Virgines noong Oktubre matapos na maipit sa mabigat na daloy ng trapiko habang patungo sa punong tanggapan ng poll body.

Dahil dito, nagpetisyon si Virgines sa Comelec na tanggapin ang kanyang COC at ikonsidera ang kanyang rason sa pagiging late.

Nagkasundo naman umano ang mga commissioners na tanggapin ang COC at payagang tumakbo si Virgines dahil may kakayahan naman umano itong magsagawa ng nationwide campaign.

Ang Bangon Pilipinas ay affiliate ng Jesus is Lord Movement ni Bro. Eddie Villanueva.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply