36 farmers naospital dahil sa hunger strike

emergency-2

TINATAYANG 36 na magsasaka na ang naoospital makaraang hindi kayanin ang kanilang isinasagawang hunger strike na sinimulan noong Lunes sa tanggapan ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Base sa pahayag ni Jerry Cahilig, spokesperson ng Task Force Mapalad na grupo ng mga magsasakang pumasok sa opisina ni DAR Secretary Gil delos Reyes noong Biyernes, idinadaing ng mga magsasakang dinala sa East Avenue Medical Center ang pananakit ng tiyan makaraang panindigan ng mga ito na hindi nila lilisanin ang kagawaran hangga’t hindi bumababa sa kanyang puwesto si Delos Reyes.

Inaapela ng mga ito kay Pangulong benigno Aquino III na mag-take over muna sa DAR hanggang sa makumpleto ang implementasyon ng  Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (CARPER).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply