3rd batch ng MMDA rescue team, tumulak na pa-Mindanao

UMALIS na patungong Mindanao ang ikatlong batch ng rescue team ng Metro Manila Development Authority (MMDA) para magsagawa ng restoration at clearing operations sa mga biktimang sinalanta ng bagyong Pablo.

Dakong alas 4:00 ng madaling araw nang umalis ang pitong miyembro ng Public Safety Office ng MMDA patungong Cateel, Davao Oriental.

Una nang nagpadala ng dalawang rescue team ang MMDA patungong New Bataan, Compostela Valley dala-dala ang dalawang toneladang water purifier para sa sinalanta ng bagyo.

Bukod sa ipinadalang water purifier ng MMDA, nagpadala rin ng water purifier ang Malakanyang at isa pa mula sa Maynilad Water Services.

Ang water purifier ay isa sa napakahagang bagay na magagamit ng mga biktima ng sinalanta ng bagyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply