4 bahay naabo sa Maynila

TINUPOK ng apoy ang apat na bahay sa Mataas na Lupa Malate, Maynila kaninang umaga.

Bandang alas-9:50 ng umaga nang magsimula ang sunog na umabot sa ikaapat na alarma at naapula lamang bandang alas-11:00 ng umaga.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagmula ang sunog sa bahay ng isang Tina Mendoza.

Nagdulot din ng pagsisikip sa daloy ng trapiko sa naturang lugar dahil sa mga rumespundeng bumbero.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad sa nasabing sunog at inaalam ang halaga ng pinsala.

Wala namang napaulat na nasaktan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply