4 bangkay na kabilang sa mga mangingisdang nawawala, nadala na sa GenSan

NADALA na sa lungsod ng General Santos at nakuha na ng kanilang mga pamilya ang bangkay ng apat na mga mangingisda na namatay dahil sa bagyong Pablo habang silay sakay ng kanilang fishing vessels.

Ang bangkay ng apat na mga biktima ay kinilalang sina Danilo Pantoan,
residente ng barangay Calumpang; Vergelio Gooc, residente rin ng Upper Puting Bato Calumpang; Romeo Mulles, residente ng barangay Sinawal at Jimmy Pilayo, residente ng barangay Fatima.

Ayon sa pamilyang Pantoan at Gooc, nagpapasalamat pa rin sila dahil
di tulad ng ibang mangingisdang kasama sa 372 hindi pa rin
natatagpuan.

Ang mangingisdang si Danilo Pantoan na una nang nailibing sa Mati, Davao Oriental dahil walang nakakilala sa biktima ay pinuntahan ng kanyang pamilya at dito nakilala ng asawa kaya nila ipinahukay muli at nadala sa General Santos, Sabado ng gabi habang umaasa pa rin ang iba pang mga pamilya na kanilang makita ang 372 mga mangingisda na hanggang ngayon nawawala pa rin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply