4 magkakaibigan tinarakan sa Simbang Gabi

crime9

SUGATAN ang magkakaibigan na dadalo sana sa Simbang Gabi makaraang saksakin ng isang lalaki sa Sta. Maria, Ilocos Sur.

Agad na dinala sa pagamutan ang mga biktima na sina Geomar Gabjuan, Jefferson Dasalla, Christian Canaoay at Marlon Dasalla na pawang mga residente ng naturang bayan, habang nakilala ang suspek na si Sonny Maniago.

Nabatid na nakatambay ang mga biktima sa mga hagdan patungo sa simbahan nang biglang magsisigaw ang grupo ng suspek. Hindi nagustuhan ng mga biktima ang pagsigaw hanggang sa humantong sa rambulan at pananaksak.

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon at posibleng magsampa ng kaso ang mga biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply