4 na bukas kotse gang, nadakip

KULONG ang apat na lalaki matapos sapilitan buksan at pagnakawan ang sasakyan ng nakaparadang mister sa Caloocan City kaninang madaling araw, Disyembre 14.

Nakilala ang mga suspek na sina Ken Quentia, 18; Artival Pelayo, 25; Anthony Torio, 24 at Gerardo Ancheta, 37 pawang ng Phase 9, Bagong Silang ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-3 ng madaling araw, nakaparada ang L-300 ng biktimang si Jorge Quiambao, 38 sa tapat ng kanilang bahay sa Phase 9, Bagong Silang ng lungsod nang distrungkahin ang kaliwang bintana ng mga suspek hanggang sa mabuksan.

Kinuha ng mga suspek ang back pack kung saan nakalagay ang laptop, sun glass, reading glass at flash drive na aabot sa P25,000 bago nagsipuga.

Nakarating naman sa kaalaman ng biktima ang pangyayari na naging dahilan upang magsumbong sa mga pulis.

Sa isinagawang follow-up operation ang mga pulis at nadakip ang mga suspek subalit nabigong mabawi ang mga tinangay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply