4 nasagip, 2 nawawala sa lumubog na ferry boat

NAILIGTAS ang apat katao habang dalawa pa ang pinaghahanap ng Philippine Coast Guard (PCG) makaraang lumubog ang sinasakyan nilang ferry boat sa karagatang sakop ng Siquijor, kaninang umaga.

Ayon kay Rear Admiral Luis Tuazon, Jr., tinangka ng ferry boat Delta 1 na makapagtago sa hagupit ng bagyong Pablo ngunit nasira ang makina nito at pinasok ng tubig na naging dahilan upang lumubog.

Anim na tripulante ang nakasakay sa naturang ferry boat.

Agad na nakaresponde ang mga tauhan ng PCG at ilang mangingisda at nailigtas ang apat habang pinaghahanap pa ang dalawang nawawala.

Samantala, isinailalim naman sa search and rescue operation ng coast guard ang isa pang tripulante ng barkong Euro 3 na sumadsad din sa karagatan.

Sa ngayon ay patuloy pa ring binabantayan ng PCG ang sitwasyon sa mga lugar na apektado ng bagyong Pablo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply