4 patay, 4 pa sugatan sa engkuwentro sa Negros

DALAWANG SUNDALO at dalawang rebelde ang kumpirmadong namatay habang may apat pang mga tauhan ng militar ang nasugatan sa naganap na bakbakan sa Negros Occidental kaninang umaga.

Sa impormasyong ibinahagi sa media ni Army Captain Anacito Naz , tagapagsalita ng Philippine Army 302nd Infantry Brigade, bandang alas 8:00 ng umaga naganap ang sagupaan sa panig ng Philippine Army at mga communist NPA.

Sinasabing nagsasagawa ng  routine combat patrol operation ang mga elemento ng Army Alpha coy sa isang area na hinihinalang pinglulunggaan ng mga NPA sa may Sitio Mapaho Paho, Barangay San Agustin, bayan ng Isabela, Negros Occidental, ng unahan nang paputukan ng mga rebelde

“It was an encounter, as of now yung update sa akin sa side ng army dalawa patay tapos apat yung wounded, side ng NPA dalawa ang na-recover na patay pero undetermined ang wounded maraming may mga wounded, pahaya ni Naz sa media.

Tumagal ng tatlong oras ang sagupaan  dahil patuloy na tinutugis ng militar ang mga tumatakas na rebelde na pinaniniwalaang marami na rin ang nalagas sa labanan.

“As of 11:00 am  kanina, ongoing pa yung firefight…” ayon pa sa tagapagsalita.

“Nagpapatrol yung tropa nung ma-encounter, actually medyo naunahan yung tropa kaya may casualties tayo pero dun sa encounter meron ding naiwan na dalawang NPA na patay, nagpatuloy yung encounter ng tatlong oras, “ dagdag pa ng opisyal.

Napag-alaman na posibleng binabantayan ng mga rebelde ang galaw ng militar sa nasabing lugar matapos makubkob ng mga awtoridad ang dalawang NPA camp na pinagkukutaan ng mga communist rebel.

“Hindi lang ako precise kung may campo na malapit sa encounter site. Maraming info na binibigay ang civilians ka natumbok ng mga nagpapatrol.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply