4 pumatay sa Kano naghain ng ‘not guilty’ plea

NAGHAIN ng “not guilty plea” ang apat katao na inakusahan sa pagpatay sa isang American National na si George Anikow sa isinagawang arraignment kanina sa Makati Regional Trial Court (RTC).

Humarap sina Juan Alfonso Abastillas, Crispin dela Paz, Osric Cabrera at Galicano Datu III sa sala ni Makati RTC Judge Winlove Dumayas ng Branch 59 para sa kanilang pagdinig.

Kasabay nito, tumanggi naman ang mga abogado ng apat na akusado na pumasok sa “plea bargaining agreement” makaraang tanungin sila ng naturang hukom.

Sa naganap na pagdinig, tinapos agad ni Dumayas ang pagdinig makaraang mamarkahan ang mga “exhibits” ng magkabilang kampo na gagamitin sa pag usad ng kaso.

Kaugnay nito, sinabi ng abogado ni Galicano na si Atty. Jay de Castro sa prosecution panel na pinamumunuan ni Assistant Chief Prosecutor Hannah Arriola na ang biktimang si Anikow ay miyembro ng United States (US) Marines ngunit itinanggi ito ni Arriola dahil wala naman silang dokumentong pinanghahawakan na nagpapatunay na miyembro ng US Marines ang napaslang.

Ayon kay de Castro, dapat alamin ng prosekusyon ang tunay na propesyon ng napaslang dahil ito ang magiging susi kung ang kliyente niya ay mapapatunayang nagkasala o dinepensahan lamang ang kanilang sarili.

Dagdag pa ni de Castro, sa mga katangian pa lamang ni Anikow ay naniniwala siyang hindi umabuso ang mga akusado sa paggamit nila ng lakas laban dito.

Nasilip din ni de Castro ang salaysay ng isa sa mga testigo na si security guard Romel Saavedra kung saan ay nagpapakita na ang napaslang na Amerikano ang naunang sumugod na nagresulta sa komosyon.

Samantala, handa ang kampo ng prosekusyon sa muling paghaharap nila ng akusado sa susunod na pagdinig kung saan ay ihaharap pa nila ang apat pa nilang testigo sa naganap na krimen kabilang si Saavedra, si Damasino Dosohan, Jr; na siyang nag- turned over ng CCTV footages ng naganap na krimen sa Makati City Police; isang video enhancer mula sa Philippine National Police (PNP) o kaya sa National Bureau of Investigation (NBI) at si Dr. Voltaire Nulud na mula sa Southern Police District (SPD) Crime Laboratory na siyang nagsagawa ng awtopsiya sa napaslang na Amerikano.

Matatandaan na pumasok na naglalakad ang biktima sa loob ng Bel-Air Subdivision dakong alas-4 ng madaling araw noong Nobyembre 24 nang sitahin ng mga security guard dahil sa hindi umano ito kilala at bagong salta lamang sa nasabing lugar.

Subalit sumabay naman ang mga suspect sa pagpasok sa loob ng subdivision na sakay ng isang magarang kotse na Volvo na sinita rin ng mga nagbabantay na security guard.

Dahil dito nakialam umano ang biktima sa paninita ng mga guwardiya sa mga suspect at hinampas umano nito ang sasakyan ng mga salarin hanggang sa nauwi sa mainitang pagtatalo kung saan ay nasaksak ng isa sa mga suspect ang biktima na nagresulta sa pagkamatay nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply