4 diabetic sugatan sa ligaw na bala

SUGATAN ang apat na may sakit na diabetis matapos tamaan ng bala ng shotgun na nahulog sa guwardiya habang nagsasagawa ng medical mission sa Valenzuela City kahapon ng umaga, Disyembre 29.

Ginagamot sa Fatima Medical Center sanhi ng tama ng shrapnel sa magkabilang hita si Marilyn Santannala, 40 ng Parada ng lungsod.

Pawang ginagamot sa Valenzuela General Hospital sanhi ng tama ng shrapnel sa tiyan si Lucia Octaviano, 62 habang sa kaliwang binti naman ang tama ni Natividad Nanez, 78 kung saan sa kanan binti naman inabot si Jocelyn Monserena, 53 pawang ng Parada ng lungsod.

Sumuko naman sa mga pulis si Ronald Pedida, 30 ng Benmarie cmpd., Fotrune 5, Parada ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga, nagsasagawa ng medical mission sa nasabing sakit sa compound na binabantayan ng suspek at habang nagpapatala ang mga biktima na nakapila ay humulagpos ang dalang shotgun ni Pedida.

Pumutok ang shotgun pagbagsak na minalas na tinamaan ng mga biktima na naging dahilan upang dalhin sa mga nasabing ospital habang sumuko naman sa mga pulis si Pedida.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply