40 domestic flight sinuspinde dahil kay ‘Pablo’

johnny-magalona

UMABOT na sa 40 domestic flight ang sinupinde dahil sa masamang panahon na dulot ng bagyong Pablo.

Batay sa inilabas na anunsyo ng Manila International Airport Authority (MIAA) nagkansela ang Cebu Pacific Airlines ng 16 flights sa Manila- Puerto Princesa, Ozamiz City, Dipolog, Dumaguete, Busuanga and Caticlan.

Nagkansela na rin ng flight ang Zest Air para kanilang round-trip flights sa Manila to Busuanga at Puerto Princesa, Palawan.

Ang pagsuspinde ng biyahe ay bunga ng pagtaas ng storm signal No. 3 sa mga naturang lalawigan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply