400 taong gulang na simbahan nasunog

WINASAK ng apoy ang 400-taong gulang na simbahan sa Camarines Norte province kaninang madaling-araw (Disyembre26)

Ang natupok ng apoy ay ang San Pedro Apostol church sa Vinzons town.

Sinabi ni Parish priest Fr. Francisco Regala Jr. na naganap ang sunog sa pagitan ng 1 at 2 a.m., at sa kamalasan ay hindi naisalba ang historical artifacts ng naturang simbahan.

Sa inisyal na imbestigasyon na nagsimula ang sunog sa convent library at mabilis na kumalat sa iba pang parte ng simbahan.

Umabot ang sunog sa second alarm bago naapula dakong 5:30 a.m.

Kinukumpirma pa ng arson investigators ang kanilang nakuhang impormasyon na ang sunog ay sanhi ng electrical overload.

Itinayo ang naturang simbahan noong pang 1611 at ilang kalamidad na ang inabot dumaan pero nananatiling nakatayo pa rin ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply