418 patay, 383 nawawala sa hagupit ni ‘Pablo’

PATULOY na lumolobo ang bilang ng mga namata sa bagsik ng hagupit ng Bagyong Pablo.

Batay sa ulat nang National Disaster Risk Reduction and Management
Council (NDRRMC) ngayong umaga, pumalo na sa 418 ang patay sa walong rehiyon.

Dagsa pa rin ang mga nabiktima sa Region XI lalo na sa Davao Oriental
at Compostela Valley na umabot sa 383 ang patay.

Sumunod naman ang Surigao del Norte at Agusan Del Sur sa Caraga; at
Misamis Occidental, Misamis Oriental at Bukidnon sa Region X na kapwa
may naitatalang 11 casualty.

Samantala may pito pang naiulat an namatay sa Siquijor, Cebu at
Negros Oriental sa Region VII, habang tig-dalawa naman sa Region IV-B
at Region VIII at tig-isa sa Region VI at Region IX.

Nabati na mula sa 418, tanging 73 bangkay pa lamang ang kinikiilala
Bukod sa mga namatayi, may kabuuang 445 pa ang sugatan at mas inaalala ng mga awtoridad ang 383 pang nawawala.

Samantala, umaabot na sa 1,033,364 pamilya o 5,141,356 indibidwal mula sa 1,862 barangay ang mga naapektuhan ng bagyo.

Halos 49,277 pamilya rito ang nananatili pa rin sa mga evacuation centers.

Ayon pa sa NDRRMC, nasa 19 na tulay at kalsada ang hindi pa rin
madaanan dahil sa mga pinsalang dulot ni Pablo.

Abot naman sa 15,850 bahay naman ang nasira, habang maraming lugar pa ang walang suplay ng kuryente at tubig na maiinom.

Sa kabuuan, tinatayang P 4,001,924,688.02 na ang halaga ng pinsala
dahil sa Bagyong Pablo.

Iniulat rin na 26 bayan pa at apat na probinsya sa Regions IV-B, VII, X, XI at Caraga ang nakasailalim sa state of calamity.

Ayon naman kay Army M/Gen. Ariel Bernardo, sa nabanggit na bilang,
258 ay narekober sa east coast ng Mindanao habang 191 naman ay sa
bahagi ng New Bataan at Monkayo sa Compostela Valley province.

Karagdagang 17 pa umano ang naiulat na fatalities sa iba’t ibang
bahagi ng Mindanao at 9 naman sa Central Visayas.

Maliban dito, patuloy pa rin umano ang paghahanap sa iba pang nawawala.

Nangako naman ang NDRRMC na hindi sila hihinto sa paghahanap sa mga naiulat na nawawala kasunod nang pananalasa ng bagyong Pablo.

Ayon kay Ramos, hangga’t maari umano ay sisikapin nilang ipagpatuloy ang ginagawang search and rescue effort.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply