43 patay sa bagyong Pablo

KUMPIRMADONG 43 katao na ang naitatalang namatay sa pananalasa ng bagyong Pablo sa Mindanao, partikular sa Bgy. Andap, New Bataan, Compostela Valley province.

Nauna nang narekober ang mahigit 30 bangkay na agad dinala sa gym ng Brgy. Andap, matapos ang flashflood dahil sa bagyong Pablo.

Karamihan sa mga biktima ay dahil sa flashflood nang umapaw ang isang ilog sa nasabing lugar na sinabayan pa ng pagragasa ng tubig-baha na may mga dalang troso.

Kabilang sa mga biktima ay mga sundalo, mga bata at mga matatanda.

Kasalukuyan nang nasa lugar ang mga rescue team na kinabibilangan ng operatiba mula sa PCG, PA at PNP.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply