46 puganteng dayuhan, naaresto ngayong 2012

bureau-of-immigration

MAY 46 na puganteng dayuhan na nagtatago sa Pilipinas ang naaresto ng Bureau of Immigration sa taong 2012.

Ayon kay Immigration Commissioner Ricardo David Jr naaresto ang nasabing mga dayuhan ng fugitive search unit o FGU ng ahensiya sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ang karamihan sa mga ito ay naipatapon na sa kani-kanilang mga bansa upang harapin ang mga kasong kriminal.

Hindi na rin aniya maaaring makabalik sa Pilipinas ang 46 na foreigner dahil inilagay na sila sa blacklist.

Sa naturang bilang, pinakamarami ang Americans sa bilang na 21; kasunod ang Koreano, 7 at pumapangatlo ang Chinese, 5.

Kasama rin sa mga pugante ang 3 Japanese, 2 Britons, 2 Austrians, 2 Taiwanese, isang Greek, isang Dutch, isang Australian, isang Swiss, isang German at isang Irish.

Sangkot sa sex crimes gaya ng rape, sexual assault, child molestation at child pornography habang iba sa kanila ay wanted sa murder, robbery, narcotics distribution, fraud, at swindling ang karamihan sa kanila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply