5 kulong sa pagbatak ng shabu

HINDI na nakatakbo ang tatlong binata at dalawang dalaga matapos lusubin at maaktuhan ng mga pulis na gumagamit ng shabu sa Caloocan City kagabi, Disyembre 7.

Nakilala ang mga nadakip na sina Alrey Patron, 25; Julius Cezar Belmonte, 19; Arlyn Aunso, 23; Jenny Rose Mercado, 19 at Jeric Capalad, 20, pawang ng Bagong Barrio ng lungsod.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon na bumabatak ang mga suspek sa Gen. Concepcion st., Bagong Barrio ng lungsod na naging dahilan upang puntahan ng mga pulis dakong alas-7:55 ng gabi.

Hindi na nakatakbo ang mga suspek nang pagdadambahin ng mga pulis kung saan nakuhanan ng isang sachet ng shabu at mga paraphernalia.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply