5 lalawigan sa bansa magkakasunod na nilindol

MAGKAKASUNOD na nilindol ang ilang magkakahiwalay na lalawigan sa bansa simula pa kagabi.

Unang naitala ang pagyanig sa Surigao City bandang alas-06:21 kagabi na may magnitude 3.3 na lindol kung saan tectonic ang pinagmulan at may lalim na 20 kilometro (km).

Bandang alas-9:09 naman ng gabi nang sunod na yanigin ng magnitude 3.6 ang Surigao del Norte at naitala ito sa layong 143 km ng General Luna at may lalim na 54 km.

Kasunod na naitala ay bandang alas-2:59 kaninang madaling araw nang lumindol ng magnitude 3.8 sa parehong lalawigan sa layong 103 km ng Burgos at lalim na 20 km na pawing tectonic ang pinagmulan.

Samantala, bandang alas-8:00 ng gabi naman ng lindulin ang Pangasinan na may magnitude 3.5 at naramdaman ang intensity II sa Baguio City.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply