50-anyos puputulan ng 2 daliri, 12-anyos posibleng mabulag sa paputok – DoH

MAPUPUTULAN ng dalawang daliri sa kamay ang isang 50-anyos na lalaki habang posible namang mabulag  ang 12-anyos na lalaki  matapos masabugan ng paputok.

Sa ulat ng Department of Health (DOH), may 9 na ang biktima ng paputok nito lamang Disyembre 21 hanggang 25 na mas mababa naman kumpara noong nakaraang taong 2011 sa kaparehong petsa na may 13 biktima.

Ayon naman kay Dr. Arnold Roque, ng Jose Reyes Memorial Medical Center, kapwa  ginamot ang 9 na biktima sa nasabing ospital.

Nabatid na lasing ang biktimang matanda nang masabugan ng hawak nitong piccolo.

Habang ang batang lalaki naman ay posibleng mabulag matapos tamaan ng basag na bote nang sumabog ang sinindihan niyang plapla.

Ang iba naman  ay nagtamo ng minor injuries.

Sa ngayon, wala pa namang naiulat na tinamaan ng ligaw na bala.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply