50,000 commuter nakalibreng sakay sa LRT

KASABAY ng pagdiriwang ng Rizal Day, mahigit 50,000 pasahero ang nakinabang sa dalawang oras na libreng sakay ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 at 2 kaninang umaga.

Sinabi ni LRT Authority (LRTA) spokesperson Atty. Hernando Cabrera, na umabot sa 37,688 ang nakalibre ng pamasahe sa LRT 1 (Monumento-Baclaran) mula 7:00 hanggang 9:00 ng umaga.

Nasa 12,261 naman ang nakalibre sa LRT Line 2 (Recto-Santolan).

Ang libreng sakay na ibinigay ng LRT ay bahagi ng pakikiisa sa paggunita sa ika-116 na anibersaryo ng kabayanihan ni Dr. Jose Rizal.

Mamayang hapon, muling magkakaroon ng libreng sakay ang LRT 1 at 2 mula alas-5:00 hanggang alas-7:00 ng gabi kaya ilan pang bilang ng mga pasahero ang mabebenepisyuhan nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply