5M Pinoy sa 8 rehiyon naapektuhan ni Pablo

HIGANTENG problema ngayon ng national government kung paano muli iaangat ang kabuhayan ng may mahigit sa limang milyong Pinoy na lubhang naapektuhan ng Bagyong Pablo na naninirahan sa walong rehiyon na nagmistulan ring mass grave ng mga nasawi   na hindi na mahuhukay pa sa ilalim ng dumaluyong na tone-toneladang putik.

Ayon sa National Risk Reduction Management Council, ito ang dahilan kung kayat kailangan ideklarang under state of national calamity ang bansa upang mapasimulan na maibangon muli ang kabuhayan mga apektadong lugar.

Nabatid sa datus ng NDRRMC, pinangangmbahang lolobo pa ang naitalang kabuuang bilang na 1.077 million families o tinatayang aabot sa 5.371 million indibiduwal ang direktang naapektuhan ng paghagupit ni Pablo sa may 2, 178 Barangay mula sa walaong region.

Bukod pa rito, patuloy ang paglobo ng bilang ng mga namatay at nawawala sa ilang araw na pag-ulan na umaabot na ngayon 456 confirmed dead bukod pa sa 533 katao na pinangangambahang patay na rin o nawawala, ayon sa situational report na inilabas ng ahensiya kahapon ng alas 8:00 ng umaga.

Malaki umano ang posibilidad na magdedeklara  si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ng state of national calamity bunsod na ring ng rekomendasyon ng NDRRMC sanhi ng pananalasa ni Pablo na sinasabing pinakamalakas na bayong tumama sa Mindanao na  .

Kamakalawa ay binisita ni Pangulo Aquino sa mga sinalanta ni Typhoon Pablo sa Compostela Valley at Davao Oriental.

Tinatayang biyon bilyong piso ang  halaga ng ari-arian, imprastraktura  at agrikultura ang winasak ng paghagupit ni Pablo sa Mindnao at Visayan region.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply