6-buwan kulong hatol kay Cuerpo

cuerpo1

PINATAWAN ng Sandiganbayan ng anim na buwang pagkakabilanggo si dating Mayor Pedro Cuerpo ng Rodriguez, Rizal kaugnay ng kasong pag-isnab sa utos ng San Mateo court na tanggapin ang aplikasyon para sa building permit ng isang grupo ng informal settlers sa lugar.

Sa 23-pahinang desisyon na nilagdaan nina Associate Justice Teresita Diaz-Baldos, Associate Justices Napoleon Inoturan at  Oscar Herrera Jr. ng anti-graft court Second Division, napatunayang si Cuerpo at si municipal engineer Fernando Roño ay guilty sa kasong paglabag Article 231 ng Revised Penal Code (RPC) dahil sa pagtanggi na tupdin ang utos ng korte na aksyunan ang aplikasyon para sa building permit ng Samahang Magkakapitbisig’s (Samahan).

Bukod sa pagkabilanggo, iniutos din ng graft court  na huwag payagan na magkaroon ng anumang puwesto sa gobyerno si Cuerpo at  Roño sa loob ng 10 taon at pagmultahin ang mga ito ng tig  P1,000 dahil sa nagawang kasalanan.

Ang kaso nag ugat ang reklamo na isinampa ng isang  Leticia Nanay, Nancy Barsubia, Ma. Victoria Ramirez, Crisanta Oxina na nagsabing ayaw silang bigyan ng building permit ni Cuerpo para sa itatayong gusali sa kanilang lupa sa Rizal kahit na may utos ang korte doon na pagbigyan ang kahilingan ng mga ito.

Sinasabing tinanggihan ni Cuerpo ang request ng naturang samahan  dahil sa pag aakala nitong mga squatters ang naturang mga aplikante at ayaw niya ng mga squatters sa lugar nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply