6 city government hospital inalerto ni Lim

NGAYON pa lamang ay inalerto na ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ang anim na pampublikong Hospital sa Lungsod ng  Maynila, para sa mga inaasahang magiging biktima ng paputok kaugnay sa nalalapit na pagsalubong sa Bagong Taon.

Nabatid na inatasan ni Lim ang  city health department  ngayon pa lamang ay nakahanda na ang mga staff ng ospital nang round-the-clock  sa pagsapit ng Disyembere 31.

Inutos din ni Lim na pulungin ang mga director ng anim na ospital sa Maynila ang  Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center; Ospital ng Tondo; Jose Abad Santos Mother and Child Hospital; Ospital ng Sampaloc; Ospital ng Maynila at Sta. Ana Hospital para sa kaukulang paghahanda.

Sinabi ni Lim na bukod sa 6 na hospital, dapat na nakahanda rin maging ang mga health centers sa mga magiging biktima ng paputok para sa pangunang-lunas ng mga ito.

Kung kinakailangan ay ilagay na sa code white ang anim na pagamutan at makipag-ugnayan din sa Department of Health para sa maga kaukulang preparasyon.

Samantala nanawagan si Lim sa mga residente ng lungsod na huwag nang magpaputok ang bawat isa kung saan ay maaari  naman aniyang magtungo sa may Baywalk area sa New Year’s eve ang publiko upang manood ng  fireworks display.

Tiniyak din ni Lim na magiging maayos at mapayapa ang buong lungsod matapos na kausapin nito si Manila Police District (MPD) Director Gen. Alex Gutierrez kaugnay sa deployment ng mga kapulisan sa matataong lugar sa lungsod.

Kaugnay nito nanawagan din si Lim sa mamayan na kung maaari ay iwasan na ang pag inom ng mga nakalalasing na inumin na siyang pangunahing ugat ng gulo at mitsa ng mga sakuna.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply