6 Pinay na biktima ng illegal recruitment, ligtas na

hans-cacdac

NASA maayos nang kalagayan ang anim na Pinay domestic helper na nasagip sa bansang Malaysia makaraang mabiktima ng illegal recruiter.

Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Admistrator Hans Cacdac, nasa pangangalaga na ng embahada sa Kuala Lumpur ang mga Pinay.

Kanselado na rin ang lisensya ng recruiter na nasa likod ng pagpapaalis sa mga ito patungong Malaysia..

Kasabay nito, nagpaalala si Cacdac na maging mapanuri sa inaaplayang recruitment agency.

Siguraduhing lisensyado ang recruiter, may foreign employer at ang job order ay nasa tala ng POEA.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply