6 timbog sa sinalakay ng drug den

ANIM katao ang nadakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos salakayin ang isang drug den sa Maguindanao, nitong Disyembre 12.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., inaresto ng mga tauhan ng PDEA Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA ARMM) si Zainuddin Abad, alias Zai, 23 anyos, nasa target list ng ahensya, sa isinagawang buy-bust operation sa mismong bahay nito na ginawang drug den sa Barangay Nituan, Parang, Maguindanao.

Nagpanggap na kostumer ang isang undercover agent na bibili ng dalawang sachet ng shabu kay Abad.

Bukod dito, 13 pang sachet ng shabu ang nakuha ng awtoridad sa loob ng drug den.

Kinilala naman ang mga kliyenteng nahuli na sina Brian Jay Macalisang, 19 anyos; Mc Lenein Stinopo, 23 anyos; Jeric Noblisada, 21 anyos; Marlito Lumayag Jr., 22 anyos; at Eduardo Kumipang.

Pansamantalang nakapiit sa PDEA-ARMM si Abad habang inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa kanya na may kaugnayan sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kakasuhan din ng paglabag sa Section 7 (visitors of a drug den) ang lima pang nahuli.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply