60 kabahayan sa Malabon, tinupok ng apoy, 1 sugatan

TINATAYANG umabot sa 60 kabahayan ang tinupok ng apoy sa isang residential area sa Malabon kaninang madaling araw.

Ayon sa ulat, umabot sa 4th alarm ang apoy na nagsimula pasado ala-1:00 at idineklara namang fire under control dakong alas 3:45 ng umaga.

Dahil sa pangyayari, sugatan ang isang residente na kinilala sa pangalang Edgar Tan.

Nagpapatuloy pa naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang alamin ang naging dahilan ng sunog pati na ang halaga na napinsala ng sunog.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply